Mahilig ka bang mag-isip, mag paisip o dumaloy lang?
Maraming pwedeng gawin, Maraming pwedeng piliin, Mas maganda kung sariling desisyon. Walang sisihan, walang bawian.
Ginawa mo sya dahil yun lang ang gusto mong gawin bukod sa ibang bagay na dapat mong ginawa, mas matimbang man o hindi. Importante masaya ka, sumubok ka, lumaban ka.
May Iiwasan at magpapaiwas. Pamilyar ka ba sa buhay? kung gusto mong himayin may dapat kang isipin. at ilan dito kahit hindi naman dapat eh iisipin mo pa din tulad ng mga dapat iwasan. Alam natin to. Alam mo to. Alam ko to at sigurado na alam ng bawat isa to. Yun nga lang mas lamang ang kagutuman mong gumawa ng bagay na hindi dapat o dapat kaya ito ang lumalabas sayo. Pigilin mo man.
Bakit nga ba?
Andaming tanong. May kwenta nga ba? ang ibang kase may sagot na ayaw lang tangapin dahil nagpapaluto lagi sa salitang "tao". Alam na ang sagot, wala lang balak sumunod dahil ke "kase". May alternatibo pero nagpadala kay "minsan". Pwede naman iwasan pero pinagkatiwala kay "maitatago".
Kung salita lang.
Dito nagtagpo ang di pinalad sa kaalaman at ang mga henyo at iba pang nakapagitna. Nagkakasalusalubong sila dahil tulay nila si salita. Hindi nga ba pag meron ka neto ay pantay? siguro me magsasabe na depende kung pano ginamit.Bukod dito. Ito ang lebel ng emosyon ng tao, galit ka, masaya ka, o anu pa. Maiiba nya ang tawag mo sa isang salita, pwedeng iba na din ang tawag mo sa isang tao pag masaya ka o kaya naman ay galit ka. Anghel, Puso at Ligaya ang pwedeng isingit dito. ang kabila naman ay halos poot na.
Kung magkaibigan ang konsensya, isip, aksyon at salita.
Iregular. "PERO" pwedeng maniwala tayo. pwedeng tawanan. pero kung laging isa ang kasundo mo? Eto ka na, mas lamang ang isa pag ikaw ang isang uri nito. Pero pagnakaslubong sa magkaibang indibidwal, pwede kaya? sariling pananaw. kung pinadaan mo muna ke kons at sip siguradong masaya ang ibubunga. ang mahirap kase pag nauna si aks tsaka mo ipapabaon kay lita ang kons para ibigay si sip sa sinasabihan mo.
Magluto tayo pagmamahal. tayo na ang bahala sa sangkap.
wag sana masyado maasim ang lihim at matabang ang lambing.
pwede nating iinit ang sangkap sa isang akap pero wag gawing maalat ang pagpapangap.
Matatalino ang tao. May mga hindi lang nagpapakita nito. meron naman sobra kung magpakita.
ang punto ay. kung gusto mo ibigay ang isa dito o kung kabila man ang bibigay mo. Matuto ka. Hindi porket nakayanan ng apoy na makalagpas sa malakas na hangin at nakakalunod na bagyo ay ibig sabihin para sa lampara pa rin natin ang apoy na ito. Madungis at luma, hindi naman huwad at wala sa tama.